Pampublikong Anunsiyo

51047030 353687655216867 3743942692938186752 n
 
PAMPUBLIKONG ANUNSIYO
 
Ang DENR CALABARZON po ay kasalukyang naglilipat na sa bagong opisina sa Barangay Mayapa, Calamba, Laguna (tanaw mula sa Mayapa Exit). 
 
Ang mga opisyal na transaksiyon at normal na operasyon ng ahensiya ay magsisimula ngayong linggo ng Jan 28, sa opisina sa Mayapa. Ipagpaumanhin po ninyo ang pansamantalang pagkaantala ng serbisyo ng ahensiya.
 
 
Atty. Maria Paz G. Luna
OIC, Regional Executive Director
 
O magpadala ng mensahe sa DENR 4A Hotlines:
Smart - 09202068610
TM - 09553912684
 
At para sa mga reklamo na nangangailangan ng mabilis na tugon:
 
09456215007
09083340224
 
Maraming Salamat po.
 
ORIGINAL SIGNED
For. Nelson V. Gorospe
Assistant Regional Director 
for Management Services
 
KARAGDAGANG PAALALA: STRICTLY NO SMOKING PO SA BUILDING AT SA PALIGID NITO. ANG MAHUHULI PO AY PAPATAWAN NG KAUKULANG PENALTY/PARUSA.

News

41396077 297236750861958 5521818974616027136 o

BAWAL MAGSUNOG NG BASURA!


Labag sa batas (RA 9003 at RA 9514) ang open burning ng solid waste, at kasama riyan ang agricultural waste, mga tuyong dahon at sanga. Nagdudulot ito ng polusyon sa hangin at panganib sa tao. Kaya maaaring ireklamo ang kapitbahay nanagsusunog ng basura, kahit pa tuyong dahon o dayami ang sinusunog. Ang inirereklamo ay maaaring maparusahan ng pagmumulta o/at pagkakakulong kapag napatunayang nagkasala.


Tumulong sa pagpigil sa mga nagsusunog ng basura. Sitahin, ireklamo, at turuan ang mga violators na sumunod sa batas pang-kalikasan. Narito ang mga maaaring gawin kung may napag-alamang nagsusunog ng basura sa inyong lugar:

Kung maaari ay i-dokumento (photo o/at bidyo) ang pagsusunog.

Kaagad tawagin ang atensyon at ipaalam sa nagsusunog ng basura na ito ay ipinagbabawal.

Kung hindi makinig at tuloy pa rin sa pagsusunog, humingi na ng tulong sa mga opisyal ng barangay. Itawag at kung maaari ay magsampa rin ng pormal na reklamo gamit ang complaint form na ito: OPEN BURNING COMPLAINT FORM.

Kung hindi umaksyon ang barangay ay maaari itong ireklamo sa DILG o/at DENR field offices.

Maaari ring dumulog sa pinakamalapit na Bureau of Fire Protection/City o Municipal Fire Marshal upang magsampa ng kasong administratibo sa ilalim ng IRR ng Revised Fire Code (RA 9514).

Kung di maaayos sa barangay, maaaring lumapit sa pinakamalapit na Tanggapan ng Tagausig (Prosecutor’s Office) upang magsampa ng kasong kriminal na paglabag sa umiiral na City/Municipal Ordinance patungkol sa solid waste management, at kaugnay sa RA 9003 at RA 9514. Gamitin ang complaint-affidavit na nasa link sa itaas.

Kung nais magsampa ng kasong sibil para sa danyos perwisyo (damages), kumonsulta sa abogado para sa paghahanda ng kaukulang reklamong isasampa korte.

Makatutulong kung ilalakip sa pormal na reklamo ang kopya ng mga larawan o/at bidyo ng pagsusunog para magsilbing ebidensya laban sa violator.

Maaari ring humingi ng tulong sa pinakamalapit na tanggapan ng DENR-Environmental Management Bureau.


Kung may irereklamo, i-download mula sa link na ito ang sample na reklamo: OPEN BURNING COMPLAINT FORM.

Para sa ibang report o reklamo na may kaugnayan sa kalikasan, maaaring magpadala ng detalye sa +639456215007/ +639083340224, email: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. , o sa facebook: https://www.facebook.com/DENR4AOfficial/


#DENRCalabarzon #TayoAngKalikasan #CleanAirForAll #SDGs

Photo Releases

photo-releases

Others

  • office-of-the-president

  •   
  • official-gazette

                                EMB     MGB     FMB     PAWB     LMB     ERDB