FRONTLINE SERVICES

Transparency Seal

RED's Corner

RED Nilo

Profile I MessagesPresentations

citizens charter web

foi logo

denr foi web

Calabarzon Secsime Logo

Youth Corner

KKK nbutton web

envitl events3 web

GAD 2

ACCEPTANCE SPEECH
Delivered by
Regional Executive Director Nilo B. Tamoria
DENR CALABARZON, Barangay Mayapa, Calamba City
May 10, 2021

 

Isang makakalikasang umaga po sa inyong lahat!

Sa atin pong Undersecretary for Field Operations and Environment, Undersecretary Juan Miguel T. Cuna,

Sa atin pong Assistant Regional Director for Technical Services,
Alfredo Palencia,

To our Assistant Regional Director for Management Services,
Nelson Gorospe,

Sa atin pong Regional Director ng Mines and Geosciences Bureau, Dondi Sarmiento

Sa mga PENRO at CENRO na narito ngayon, PENRO Noel Recillo, CENRO Januel Peras,

At sa iba pa po nating kasamahan na PENRO and CENRO na naka-Zoom,

Sa mga Division at Section Chief,

Sa bumubuo po ng DENR CALABARZON at sa lahat po ng nakatunghay sa ating programa sa field at sa Central Office,

Inuulit ko po, isang makakalikasang umaga po sa inyong lahat!

 

             Let me start my message by expressing my utmost gratitude to all, for your warm welcome. I am honored to be here again, to serve as your Regional Executive Director.

             Lilinawin ko lamang po, hindi po ako nawala sa CALABARZON dahil ang inyo pong lingkod ay tubong CALABARZON. Gaya ng pagpapakilala ng ating Assistant Regional Director, ako po ay ipinanganak sa Binangonan, Rizal at kasalukuyang iyon pa rin ang inuuwian ko at wala na po akong ibang inuuwian.

             I see a lot of familiar faces online and in person. Some of you must already know me, my management style well since I have served as your RED from 2008-2011. It is definitely refreshing to be back here in Region IV-A, my home region.

             Ako ay excited at ready. I am excited to attend to familiar target activities, programs, and projects. I am ready to carry on and deliver the highest quality of public service and address the current issues and concerns of the Region.

             Hindi ko pa po malimutan noong naatasan po tayo ng dating Kalihim Lito Atienza. Magmula po sa Roxas Boulevard, magkasabay kami ni ASEC Mars bilang RED po siya noon ng 4B at ako ng 4A na pinalipat po at i-comply na lumipat sa mga Regional Government Center. Noong umpisa po, marami ang medyo hindi masaya dahil malilipat ng lugar. Nakaraan po ng labintatlong taon, narito na po tayo sa napakaganda nating tanggapan. At ‘yung Region 4B, with due respect sa Region 4B leadership, naandun pa rin po sa Roxas Boulevard.

             Sixteen years since I entered DENR in 2004. Thirteen years since I was designated as Regional Executive Director of Region 4A in 2008, my first regional assignment as Director IV. Ten years since I left Region 4A to NCR, and nine years since I started to serve my dismissal from the service. And five years since I returned back (to) work after winning my case all the way from Court of Appeals to Supreme Court. And two years since my last assignment as RED of Region 12 na nagkataon, ‘yung pumalit po sa akin sa Region 4A ay pinalitan ko sa Region 12, si dating RED Rey Juan.

             All those years, (there were) a lot of blessings. Marami pong blessing ang (aking) tinamo sa personal at propesyonal na buhay. Finally, na-confer na po ako bilang CESO, finally, this year sa (loob ng) mahigit na labindalawang taon.

             Dala dala ko ang aking dagdag na eksperyensa sa lahat ng dinaan ko po magmula po noong panandaliang iwan ko ang Region 4A. Napakarami po ang napakayamang karanasan sa usapin ng pagpapalakad at pamumuno po sa ating ahensya sa iba’t ibang kapasidad, at ang nakaraan pong karanasan natin bilang Executive Director ng Environmental Protection and Enforcement Task Force. Bilang panimula para doon sa nilalayon nating pang-matagalang pagpapalakas ng enforcement mandate ng DENR, ang pagtatatag ng Environmental Protection and Enforcement Bureau ay malaking dagdag na dala at bitbit ng inyong lingkod sa pag-assume ng Regional Executive Director post dito sa CALABARZON. I commit to organize, manage, and utilize all our resources efficiently especially during these very challenging times as we navigate the new normal.

             Ayon po kay Peter Drucker, isang eksperto na gumawa sa konsepto ng Management by Objectives, “Leadership is lifting a person's vision to high sights, the raising of a person's performance to a higher standard, the building of a personality beyond its normal limitations.”

             So, kasama ko po ang aking dalawang mahuhusay na Assistant Regional Directors, ARD Fred Palencia and ARD Nelson Gorospe, kayo pong magigiting na empleyado ng DENR CALABARZON ang aming magiging katuwang. I aim for the improvement not only of our services, but most importantly, of our workforce. We can only be effective and productive if we, ourselves, are equipped with the needed skills and knowledge, and are physically, emotionally and mentally healthy. At syempre po, ‘yung pagkakaisa natin sa tunguhin at bisyon ng ating ahensya, ayun po ang pinakaimportante sa atin.

             Pagtulungan po natin ito. I look forward to getting reacquainted to build a conducive working relationship with all of you. Sa lahat po ng bumubuo ng DENR magmula po sa ating Kalihim Roy A. Cimatu, sa mga Undersecretaries po, kay USEC Cuna po na ating supervising USEC ng field operations, salamat po sa pagtiwala na mailagay muli dito sa Region 4A CALABARZON bilang Regional Executive Director.

             Again, maraming, maraming salamat po at mabuhay tayong lahat! Magandang umaga po sa inyong lahat.

 

Press Release

Photos

  DENR CALABARZON HotlineDENR Hotline as of Sept2019 aksyon kalikasan mail to DENR

Newsletter

kalikasan

Quick Links

geoportal front webgeo hazard maps2 webOCM Logo FINAL

AQMS MM webenvironmentor2 webphilgeps

SMD Request Form

Featured Video