Regional Releases

SAN PEDRO CITY - Isang concerned citizen ang nagpadala ng mensahe sa pamamagitan ng DENR CALABARZON Action Center upang mai-turn over ang isang Philippine Cobra sa PENRO Laguna na nauna ng natagpuan sa Blk. 2 Lot 23, Southville 3A, Brgy. San Antonio, San Pedro City, Laguna. Ang nasabing cobra ay nasa mabuting kondisyon at agad dinala ng PENRO Laguna personnel sa Regional Wildlife Rescue Center na matatagpuan sa Brgy. Lamot II, Calauan, Laguna.

Muli, ang PENRO Laguna ay nanawagan sa publiko na magreport o isangguni sa aming opisina kung meron man makitang mga wildlife o buhay-ilang, halaman man o hayop, o may alam na ilegal na nag-aalaga ng mga ito sa pamamagitan ng pagtawag sa aming telepono na may numerong 049 536-5889 o mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. /This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o magmensahe sa official Facebook Page ng DENR CALABARZON.

Magtulungan po tayong mapangalagaan ang ating mga buhay-ilang.

Isang Brahminy Kite (Haliastur indus) ang naiturn-over ni G. Bryan Aguilon sa PENRO Laguna kasama ang crew ng Born to be Wild na pinangungunahan ni Dr. Nielsen B. Donato. Base sa assessment ng team, ang nasabing Brahminy Kite ay injured (damaged primary wing feather at tail feather) kung kaya’t ito ay mananatili muna sa pangangalaga ni Dr. Donato para sa karagdagang assessment at treatment at upang ito ay ma-monitor ng maayos hanggang sa ito ay tuluyan ng gumaling. Ito ay kasalukuyang nasa Laguna Wildlife Rescue and Rehabilitation Center sa Pansol, Calamba City, Laguna na pinangangasiwaan ni Dr. Donato.

Hinihikiyat po namin ang publiko na wag mag-atubiling ipagbigay alam sa aming tanggapan kung kayo man ay may makitang buhay-ilang (hayop o halaman) maging ang mga taong ilegal na nag-aalaga nito. Maaari kayong tumawag sa aming tanggapan sa numerong 049 536 5889 o mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o personal na magtungo sa aming opisina sa National Highway, Brgy.Lalakay, Los Banos, Laguna.

Ngayong simula ng Taong 2021, ay ipinagpatuloy ng DENR CALABARZON, PENRO Laguna at CENRO Sta. Cruz ang inisyatiba nitong gamitin ang mga replacement seedlings na mula sa mga Approved Tree Cutting Permit sa pagpapaunlad ng mga graduated National Greening Program (NGP) sites sa Lalawigan ng Laguna.

Ngayong araw ng Biyernes, Enero 8, 2021, ay nagkaroon ng isang Tree Growing Activity sa CY NGP 2015 50 ha. Indigenous Plantation sa Brgy. Magsaysay, Siniloan, Laguna.

Nakapagtanim ng 426 na punla ng Molave (Vitex parviflora) ang 46 nakalahok mula sa Lokal na Pamahalaan ng Siniloan na pinangunahan ni Mayor Ranier A. Leopando, MENR Office Siniloan, Sangguniang Kabataan (SK) ng Siniloan, Alpha Phi Omega (APO) Fraternity, Philippine National Police (PNP) Siniloan, at mga kawani ng DENR CALABARZON na pinangunahan nina Regional Executive Director Nonito M. Tamayo at Assistant Regional Director for Technical Services Alfredo Palencia, PENRO Laguna na pinangunahan ni PENRO Ronilo L. Salac at CENRO Sta. Cruz na pinangunahan naman ni OIC-CENRO Victor H. Mercado.

Ang nasabing aktibidad ay naging matagumpay sa pamamagitan ng patuloy na pagpapakita ng buong suporta at partisipasyon ng mga nasabing organisasyon.

Patuloy ang panghihikayat ng DENR sa publiko na makiisa sa mga ganitong gawain upang patuloy na maprotektahan at mapagyabong ang mga natitira nating kagubatan at likas-yaman at maibalik ang dati nitong sigla.

Ngayong taon ay sinimulan ni OIC-CENRO Victor H. Mercado ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan, mga organisasyon, at iba pang ahensya ng gobyerno upang  patuloy na mapalakas ang samahan at lalong mapaigting ang pagpapatupad ng mga aktibidad at batas pangkalikasan.

Kaugnay nito, patuloy na nakipag-ugnayan si OIC-CENRO Victor H. Mercado sa mga alkalde ng mga Munisipalidad ng Victoria at Calauan, Laguna upang maging katuwang sa pagkamit ng mga itinakdang gawain para sa taong ito. Ang pakikipag-ugnayan na ito ay naglalayon din na personal na maiimbitahan ang mga nasabing alkalde sa isang Stakeholder’s Meeting na gaganapin sa Enero 18, 2020 na kung saan ay ilalahad ang mga proyekto, aktibidad at mga serbisyo publiko ng PENRO Laguna at CENRO Sta. Cruz para sa taong 2021.

Kasabay nito ay nagkaroon din ng pagbisita si OIC-CENRO Victor H. Mercado sa mga Approved Tree Cutting permit sa Pila, Laguna at sa isang DPWH Road Widening Project sa Calauan, Laguna.

Sa pamamagitan ng PENRO Laguna ay naipaabot sa CENRO Sta. Cruz ang kahilingan na maturn-over ang isang Head Scops Owl mula sa San Pablo City, Laguna.

Namataan sa kusina ni Ginoong Melvin Castillo ng Brgy. San Bartolome, San Pablo City, Laguna ang nasabing kwago. Base sa obserbasyon, mayroon itong sugat sa paa na sanhi ng hindi nito kayang makatayong mag-isa. Napag-alaman din na mayroon itong bali sa kanang bahagi ng kanyang pakpak.

Ang nasabing kwago ay agad dinala nina Forest Ranger Charlemagne Gruezo at Project Support Staff Michael Alcasid sa Wildlife and Rescue Center ng DENR CALABARZON na matatagpuan sa Brgy. Lamot II, Calauan, Laguna.

Ang CENRO Sta. Cruz ay muling nanawagan sa publiko na  kung mayroong mga makikitang mga buhay-ilang na maaring masagip at kung mayroong ilegal na nag mamay-ari o nagbebenta ay maaring ipagbigay alam sa aming tanggapan sa pamamagitan ng telepono (049) 536-8903, e-mail This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it., at Official Facebook Account CENRO Sta. Cruz.

Kaisa ninyo po kami sa pagtanggol at pagprotekta ng ating kapaligiran at Likas na yaman.