Photo Releases

The DENR CENRO Calaca, Conservation and Development Section conducted occular inspection and technical assistance to Provincial Governement and Natural Resources Office (PGENRO) Batangas last February 24, 2020, re: area mapping and preparation of mangrove nursery in line to their proposed project titled "Establishment of Mangrove Nature Park: A Community Coastal Development Initiative in Barangay Mataas na Bayan Lemery Batangas".

Nagsagawa ng taunang pagpupulong ang Enhanced National Greening Porgram (E-NGP) ng PENRO RIZAL sa pamamagitang ng isang “Kamustahan” noong February 16, 2021 na dinaluhan ng mga People’s Organizations (PO) ng probinsiya ng Rizal.

Layunin ng kamustahan ang maipresenta ang programang Enhancement Planting sa loob ng Upper Marikina River Basin Protected Landscape (UMRBPL) para sa kasalukuyang taon. Tinatayang 1,989 ektara na sakop ng plantasyong NGP sa pinangangalagaang pook taong 2013-2015 ang inasahang matataniman. Samantalang aabot sa 1,108,360 na punla ng Indigenous Species, Fruit Trees at Bamboo Species ang kianakailangang maitanim.

Tinalakay din ang implementasyon ng “FAMILY APPROACH” sa pagsasagawa ng greening program. Na kung saan ito ay pangangasiwaan ng bawat PO sa pamamagitan ng isang kasunduan sa mga piling pamilya. Nais ng pamamaraang ito ang makatulong at makapagbigay hanap buhay sa isang pamilya kasabay ang layuning maibalik ang kagubatan sa nasabing pook.

Muli, magsasagawa ang PENRO ng patuloy na Information, Education, and Communication Campaign at karagdagang Enforcement Activities sa ilalim ng Build Back Better (BBB) Task Force (EO 120).

Nilagdaan noong nakaraang 23 Pebrero 2021, ang isang Memorandum of Partnership Agreement (MOPA) sa pagitan ng DENR CALABARZON at City Government ng San Pablo City, Laguna sa City Hall ng San Pablo, na naglalayong mapagbuti ang pangangasiwa at administrasyon ng mga “public lands” sa lungsod upang matulungan ang lokal na komunidad na magkaroon ng titulo ang kani-kanilang mga lupang tinitirikan at sinasaka upang bigyang seguridad ang bawat mamamayan sa kanilang pagmamay-ari sa lupa.

Dinaluhan ang nasabing paglagda nina City Mayor Loreto “Amben” S. Amante, City Assessor Ma. Elenita Rubi B. Diaz, City Environment and Natural Resources Officer Ramon R. De Roma. Kasama din sina PENRO Ronilo L. Salac, CENRO Victor H. Mercado, Chief Technical Services Division Divina A. Villaluz, OIC-Chief Management Services Division Annabelle M. Barquilla at Chief Regulation and Permitting Section Luisa Luningning L. Santos.

Ang MOPA Signing ay ang paunang aktibidad sa ilalim ng Rapid Land Tenure Appraisal o RLTA. Ang RLTA ay isang barangay profiling activity para sa mga munisipalidad o siyudad na nasasaklawan ng Cadastral Survey na isinagawa ng pamahalaang nasyonal ilang taon na ang nakalilipas. Sa pamamagitan ng RLTA ay magkakaroon ng baseline data ang PENRO Laguna at CENRO Sta. Cruz ng mga lupang maari pang mga mapatituluhan. Sa ilalim pa rin ng RLTA ay mapapabilis at lalong maisasaayos ang mga proseso at aktibidad ng pagpapatitulo. Kasunod ng paglada sa kasunduan ay ang cascading o pagsasagawa ng mga Information, Education and Communication (IEC) Campaign sa lebel ng barangay upang maipaliwanag ang kahalagahan ng RLTA gayundin ang pag-iimbentaryo ng mga lupa at consolidation ng mga Cadastral Maps.

TINGNAN: Ang CENRO Catanauan, Quezon ay nagsagawa ng Coastal Clean-up Activity sa ilalim ng Coastal Marine Ecosystems Management Program (CMEMP) ngayong araw sa Brgy. Bacong Ibaba, General Luna, Quezon.

Nagkaroon muna ng pananalita si For. Nida Castro Barros bago sinimulan ang nasabing aktibidades. Ayon kay For. Barros, mahalaga na mapanatiling malinis ang baybaying-dagat dahil ito ay nagbibigay ng kabuhayan at mga pangunahing pangangailangan ng mga residente katulad ng pangingisda na siyang pangunahing hanap-buhay ng mga nakatira dito.

Sumunod na nagbigay ng menshe ay sina MENRO William Verdan, SB member Rolando Atienza at Brgy. Captain Nestor Magtibay na kung saan ay nagpasalamat sila sa mga lumahok at sa mga personnel ng CENRO Catanauan, Quezon sapagkat ang kanilang bayan at barangay ang napili na magkaroon ng ganitong aktibidades.

Ito ay nilahukan ng DENR personnel, Sangguniang Bayan ng General Luna, Quezon, Sangguniang Barangay at mga residente ng Brgy. Bacong Ibaba, General Luna, Quezon. Mayroong 420 kilos ng ng di-nabubulok na basura ang nakolekta sa baybaying-dagat ng nasabing barangay.

Isinagawa ang aktibidades ayon sa mga alituntunin na ipinapatupad ng IATF upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, katulad ng pagsusuot ng facemask at pagpapanatili ng social distancing.

TINGNAN: Nagsagawa ng pagtatanim ng mga Bakawan ang Local na Pamahalaan ng Catanauan, Quezon sa pangunguna ni MENRO Krisnah Marie  Alayan kasama ang mga grupo mula sa CENRO sa pangunguna ni Forester I Nida Castro Barros  upang magbigay assistance sa mga personalidad na nakibahagi sa gawain na isinagawa sa Bakawanan ng Brgy. Matandang Sabang Kanluran, Catanauan, Quezon ngayong umaga.

Ang nasabing gawain ay bilang pag gunita sa World Wetlands Day na ginaganap tuwing Pebrero 2 ng taon. Ito ay dinaluhan ng mga representante mula sa hanay ng bombero, sundalo, kapulisan, local at barangay, gayundin ng organisadong myembro ng blue brigade ng nasabing Barangay.

May kabuang bilang na 29,500 ang naitanim sa loob ng 11 ektaryang bakawanan ng humigit 122 katao na nagtanim.

Subcategories