Photo Releases

Narescue ang isang freshwater crocodile na may timbang na humigit kumulang 3.6 kilograms at may habang tinatayang 1.06 metro sa Brgy. San Vicente, San Pedro City, Laguna. Ito ay nai-turnover ng City Environment and Natural Resources Office (City-ENRO) San Pedro na pinamumunuan ni Ms. Marilou Q. Balba sa PENRO Laguna noong 26 Pebrero 2021.

Base sa unang pagsusuri, ang nasabing freshwater crocodile ay nasa maayos na kalagayan. Agad naman itong dinala ng PENRO Laguna personnel sa DENR CALABARZON Regional Wildlife and Rescue Center na matatagpuan sa Brgy. Lamot II, Calauan, Laguna upang doon mabigyan ng tamang pangangalaga.

Isang brahminy kite (๐˜๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ข๐˜ด๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ด) ang nailigtas ng tanggapan ng CENRO Lipa sa pamamagitan ng Enforcement and Monitoring Section noong Pebrero 26,2021.

Ang nasabing ibon ay nakita sa pamamagitan ng isang facebook post sa โ€œBantay Trapiko sa Batangas Cityโ€ na kung saan diumano ay nakita ito sa tabi ng isang bahay sa Barangay Dumuclay West, Batangas City.

Batay sa pagsusuri, nasa maayos na kalagayan ang nasabing ibon ngunit hindi husto ang kanyang timbang. Dahil dito, agad itong dinala sa DENR IV-A Regional Wildlife Rescue Center sa Calauan, Laguna para sa tamang pag-aalaga.

Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon, maaaring tumawag o magpadala ng mensahe sa mga sumusunod na detalye:

(043) 775-2976 / 404-9223

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Noong nakaraang 24 Pebrero 2021, nagkaroon ng isang pagpupulong sina PENRO Ronilo L. Salac, CENRO Victor H. Mercado, EMS Chief Marilyn D. Aguilon, Gen. Alex Rilliera at Major Jeff Caro patungkol sa pagpapalakas at pagpapatibay ng samahan nito upang maging katuwang sa pagprotekta ng ating mga kapaligiran at likas yaman gayundin sa pagpapatupad ng mga batas at polisiya ng DENR.

Nilalayon din ng nasabing pagpupulong na magkaroon ng ugnayan sa mga aktibidad tulad ng tree planting at Clean-Up Drive na magpapaunlad at magpapayabong sa mga natitirang kapaligiran at likas-yaman sa lalawigan ng Laguna.

Pinangunahan ng Enforcement and Monitoring Section (EMS) ng PENRO Laguna kasama ang mga itinalagang Information Officers ang pagsasagawa ng isang Information, Education and Communication (IEC) Campaign sa mga lokal na opisyal at mamamayan ng Barangay Silangan Lazaan, Nagcarlan, Laguna noong 24 Pebrero 2021.

Ang nasabing IEC ay naglalayong maibahagi ang mga impormasyon tungkol sa mga umiiral na batas pangkalikasan. Kabilang sa mga tinalakay ang mga batas tungkol sa mga permits na ibinibigay ng DENR (tree cutting permit, certificate of tree plantation ownership, chainsaw registration, etc.) at batas kaugnay sa pangangalaga ng mga wildlife o buhay-ilang.

Ang Barangay Silangan Lazaan ay isa sa mga barangay sa Nagcarlan, Laguna na nakakasakop sa Mts. Banahaw-San Cristobal Protected Landscape (MBSCPL), isang proklamadong protected area, kung kaya patuloy ang PENRO Laguna sa pagsasagawa ng mga IEC activities sa mga barangay upang gawing aktibong katuwang sa patuloy na pangangalaga sa MBSCPL.

A Communication, Education and Public Awareness (CEPA) was conducted by CENRO Lipa through the Enforcement and Monitoring Section (EMS) headed by For. III Flordeliza Olave on February 19, 2021.

It was attended by barangay officials and some residents of Brgy. Malitlit, Lipa City, Batangas. The topics discussed during the meeting are: duties and responsibilities of the fire brigade and doโ€™s and donโ€™ts to be observed in the reserve area.

Other relevant topics were also discussed such as guidelines on the issuance of land classification status and public land application. Distribution of IEC materials in the form of pamphlet was also facilitated.

The activity was conducted to strengthen and capacitate partner stakeholders in the protection of forest and its natural resources and to gain support in the fulfillment of DENR mandates and programs.

Be informed that all the precautionary measures and safety protocols re: COVID-19 threat were properly practiced and observed during the said activity.

Subcategories