Photo Releases

Isang grey-faced buzzard o mas kilalang lawin (๐˜‰๐˜ถ๐˜ต๐˜ข๐˜ด๐˜ต๐˜ถr ๐˜๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ค๐˜ถ๐˜ด) ang itinurn-over ng lokal na pamahalaan ng San Jose, Batangas sa tanggapan ng CENRO Lipa ngayong araw, Pebrero 16, 2021.

Ang nasabing lawin ay natagpuan ng mga residente ng Banay Banay I, San Jose, Batangas at kaagad itong isinurender sa kanilang munisipyo.

Ayon sa pagsusuri at sertipikasyon mula sa beterinaryo ng lokal na pamahalaan, nasa maayos na kondisyon at kalusugan ang lawin.

Dahill dito, nagtungo ang ilang staff ng Enforcement and Monitoring Section sa Mt. Malarayat, Lipa City upang agad itong pakawalan sa kagubatan.

Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon, maaaring tumawag o magpadala ng mensahe sa mga sumusunod na detalye:

(043) 775-2976 / 404-9223

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

DENR CENRO Calaca conducted a meeting/coordination with Taal LGU re : land titling program of DENR thru Rapid Land Tenure Appraisal (RLTA), last February 16, 2021.

Present in the said meeting were: CENRO Isagani Amatorio, RPS Chief Engr. Rosalia Balicanta, RPS Staff Engr. Lovelyn Asuncion, Mayor Pong Mercado, MENRO Engr. Mhelda Grace Leyma, and Municipal Administrator Atty. Ma. Carlota Cerdeรฑa.

Please be informed that health and safety measures against COVID-19 were properly observed and practiced during the conduct of the activity.

Gumaca, QUEZON โ€” Mula sa pagnanais ng Gumaca Tree Planters and Pallet Makers Agriculture Cooperative (GTPPMAC) na madagdagan ang kapal ng ating kagubatan, ang CENRO Calauag ay nakiisa sa ginanap na tree planting activity ng naturang samahan noong Lunes, 15 Pebrero 2021.

Sa pangunguna nina CENRO Joselito D. Barros at GTPPMAC President Preciliano B. Aviles, nakapagtanim ang kooperatiba ng 400 puno ng Narra at Acasia mangium sa palibot ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Brgy. Progreso, Gumaca, Quezon.

Dahil sa mga nauna nang mga pagtatanim na isinagawa ng GTPPMAC simula pa lang ng taon, inasahan na may kasunod pang mga pagtatanim ang isasagawa ng kooperatiba sa bayan ng Gumaca, Quezon.

Pagbilao, Quezon โ€“ Panayam ni CENR Officer Raymond A. Rivera tungkol sa Quezon Protected Landscape (QPL) para sa On-Site Shoot na pinangunahan ng Business Unusual Media Solutions (BUMS) Inc. sa pagkuha ng mga video at litratong kailangan para sa Audio Visual Production, nito lamang Martes, 9 Pebrero 2021.

Ilan lamang sa kanyang mga nabanggit ang kahalagahan nitong pinangangalagaang lugar (protected area) sa kapaligiran at mga katabing komunidad, mga pagsubok na kinakaharap nito, at ang mga itinatampok nitong lugar gaya ng Malabayabas Forest, View Deck, Buenavista Spot, Herbal Pavillion, Pinagbanderahan, atbp. na nakatutulong sa mga lokal na komunidad, kasama na rin ang mga hayop at halaman na naninirahan dito.

Isa rin sa kanyang mga naisaad ang Protected Area Management Board (PAMB) na isang multi-sector na lupon o samahang binubuo ng ibaโ€™t ibang organisasyon o ahensiyang mapapribado man o publiko, na siyang namamahala sa pagprotekta at konserba ng likas na yaman ng lugar.

Gaya ni Rivera, nakapanayam din ng BUMS Inc. ang SLSU Instructor na si G. Essex Vladimer Samaniego tungkol sa kanyang ginawang pagsasaliksik sa naturang lugar na pinamagatang โ€œSpecies Composition and Conservation Status of Amphibians of Limestone Karst Forests of Quezon Protected Landscape (QPL)โ€.

Ayon kay Samaniego, nakapagtala rito ng labing apat (14) na uri ng palakang matatagpuan sa loob ng pinangangalagaang lugar, tanda na ang QPL ay isang diverse na kagubatan na mayroong magandang status ng biodiversity sa kabila ng kanyang sukat [1042.85 ektarya]. Isa sa labing apat (14) na ito ang ๐˜—๐˜ญ๐˜ข๐˜ต๐˜บ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ด ๐˜ฒ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ป๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ช na isang endemic species o dito lamang matatagpuan.

Kung nais basahin ang nakaraang pahayag at unang araw ng pagsasagawa ng aktibidad na ito, bisitahin lamang ang link na ito:

https://www.facebook.com/cenrotayabas/posts/419921549283298

Para sa karagdagang impormasyon at iba pang mga katanungan, maaaring magpadala ng sulat/mensahe o tumawag sa mga sumusunod:

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

(042) 784 2841

DENR CENRO Tayabas

Brgy. Potol, Tayabas City

 

Isang lawin o Brahminy Kite (๐˜๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ข๐˜ด๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ด) ang itinurn-over sa tanggapan ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Tayabas, ng isang grupong pinapangunahan ni G. Rolden Garcia, SK Chairperson ng Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City, ngayong araw ng Lunes, 15 Pebrero 2021.

Limang (5) kabataan ang nakatagpo sa nasabing lawin noong 14 Pebrero 2021, at ipinaalam sa SK chairperson ng baranggay sa tulong ni G. John-John Abrera. Agad namang umagapay ang Tanggol Kalikasan upang ito ay mai-turn-over sa DENR.

Dadalhin ang nasabing lawin sa Provincial Veterinary upang masuri kung ito ay nasa maayos na kalagayan at may mabuting kalusugan bago ito pakawalan sa kagubatan.

Para sa karagdagang impormasyon at iba pang mga katanungan, maaaring magpadala ng sulat/mensahe o tumawag sa mga sumusunod:

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

(042) 784 2841

DENR CENRO Tayabas

Brgy. Potol, Tayabas City

 

Subcategories