Photo Releases

LOOK: The DENR CALABARZON and CENRO Lipa together with its Green Fins Members - Batangas Community Divers Seal, Inc. as NGO partner of DENR, Peoples Organization, PNP and the Local Government of Mabini, Batangas conducted a Coastal Clean Up and Scubasurero at Balayan Bay, Mabini, Batangas.

A total of 166 kg of wastes and 38 pieces of facemasks were collected by 77 volunteers. Collected wastes will be transported to the Materials Recovery Facility of Mabini then to the Sanitary Landfill of Batangas City for proper disposal.

The activity was held in celebration of the Coral Triangle Day last June 9. According to DENR4A Regional Executive Director Nilo B. Tamoria, Mabini is center of the center of marine biodiversity. RED Tamoria shared, "Napakamakahulugan po ang ating activity ngayong araw na ito dahil ito pong Mabini ang puso ng coral triangle na binubuo ng kalipunan ng pinakamalusog at pinakamaraming marine species". Because of this, numerous dive shops could be found in the area. However, RED Tamoria emphasized the roles of the local communities as well as tourists for the preservation of the area. "Subalit habang pinakikinabangan po natin sa pamamagitan ng mga ganitong activity ang ating lugar, diyan naman po pumapasok ang responsibilidad natin na pangalagaan ito para sa mga susunod na salinlahi", he said.

RED Tamoria was also the Regional Director of DENR CALABARZON when Mabini was proclaimed as the center of center of marine biodiversity. Last May 2021, RED Tamoria was again assigned to the Region.

Meanwhile, Atty. Jinky Luistro,  Municipal Administrative Officer of Mabini, Batangas shared that the province is part of the Verde Island Passage where diverse marine species could be found. Atty. Luistro also challenged the people of Mabini for the conservation of their rich marine biodiversity. "People always claim that we are the home of Verde Island Passage but ang tanong ko po ay may ginagawa ba sila at pinaninindigan ito in words and in deed?", she said as she encourages the people to participate in marine conservation initiatives. 

Coral Triangle is one of the three great ecological complexes on the planet, together with the Congo Basin and the Amazon Forest. In Southeast Asia, Philippines is among the 6 member countries of Coral Triangle.

"KUMUHA NG KAYANG ALAGAAN, MAGTANIM PARA SA KALIKASAN"

Bilang pagunita sa DENR’s 34th Founding Anniversary at Philippine Environment Month 2021, ang PENRO Cavite sa pangunguna ng Production Forest and Management Unit (PFMU) ay nakapagpamahagi ng mahigit 2,260 na punla ng indigenous at 1,744 na fruit bearing trees, ngayung araw ika-10 ng Hunyo sa DENR PENRO Cavite Nursery, FCIE Compound, Pueblocillo Subdivision., Brgy. Langkaan I, Dasmariñas City, Cavite. 

Ang aktibidad ay dinaluhan ng CENRO Bacoor, CENRO Imus, MENRO Silang, 401st A. Manuever Company RMFB4A at mga lokal na residente ng Cavite.

Isang long-tailed macaque (Macaca fascicularis) ang naiturn-over sa PENRO Laguna noong 10 Hunyo 2021. Ipinagbigay-alam at isinurrender ni Ginoong Florante L. Malijan ng LE Village Brgy. Lawa, Calamba City, Laguna sa pamamagitan ng pagtawag at pagee-mail sa aming opisina ang nasabing unggoy.

Batay sa inisyal na pagsusuri ng Enforcement and Monitoring Section (EMS) personnel, ang nasabing unggoy ay isang lalaki, may bigat na 6 kilo at nasa maayos na kondisyon. Agad naman itong dinala sa Regional Wildlife Rescue Center, Brgy. Lamot II, Calauan, Laguna na siya ng mangangalaga dito.

Muli, ang PENRO Laguna po ay nananawagan sa publiko na magreport kung meron mang sightings ng mga wildlife o buhay-ilang sa inyong lugar o may alam na ilegal na nag-aalaga o nagbebenta nito. Maaari po kayong tumawag sa numerong (049) 536 5889, o mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o magbigay ng mensahe sa official Facebook page ng DENR CALABARZON. Magtulungan po tayong pangalagaan ang ating mga buhay-ilang!

Tingnan: Paglunsad ng Community PlanTrees: Kumuha ng Kayang Alagaan, Magtanim para sa Kalikasan

Ang CENRO Sta. Cruz sa pangunguna ng DENR CALABARZON, kasama ang iba pang mga Field Offices sa rehiyon, ay naglungsad ng sabayang pagsasagawa ng “Community PlanTrees: Kumuha ng Kayang Alagaan, Magtanim para sa Kalikasan" kasabay ng pagdiriwang ng ika-34 na anibersaryo ng DENR.

Ang CENRO Sta. Cruz ay nakapagbigay ng humigit kumulang 2,000 punla ng mga namumungang kahoy sa mga kliyente nito, at residente ng bayan Sta. Cruz noong 10 Hunyo.

Sa pakikipag-ugnayan naman ng CENRO Sta. Cruz sa Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO) Laguna, sa pangunguna ni PGENRO Marlon Tobias, ay nakapagbigay ng 7,000 punla ng mga namumungang kahoy bilang suporta sa “Greening Laguna for a Healthy Environment” program ng PGENRO para sa mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Laguna.

Ang programang “Greening Laguna for a Healthy Environment” ay naglalayon na makapagtanim ng isang (1) milyong puno sa loob ng limang (5) taon. Layunin din nito ang maipakita ang mga gawain at katangian ng mga lagunense na pagiging mapagbigay at may malasakit hindi lamang sa kapwa kung hindi pati na rin sa ating kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim sa kani-kanilang mga bakuran upang makatulong sa pagpapagaan ng mga negatibong epekto ng pabago-bagong klima.

Sa pangunguna ni In-Charge, Office of the CENRO Bernardita C. Daliva, ang CENRO Sta. Cruz ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa paglungsad ng Community PlanTrees at kami ay muling bumabati ng maligayang ika-34 na anibersaryo sa DENR. Mabuhay po tayong lahat!

Para sa mga susunod pang mga aktibidad, umantabay lamang sa Offcial Facebook Account ng CENRO Sta. Cruz.

 “Tara, Halina’t Magtanim, kasama niyo ang DENR CENRO Sta. Cruz, PENRO Laguna at PGENRO Laguna”

Nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DENR CALABARZON at City Government ng San Pablo , Laguna para sa formulation ng kanilang Forest Land Use Plan (FLUP) sa Mayor's Office, 3rd Floor, San Pablo City, Laguna Laguna noong 7 ng Hunyo 2021.

Nagkaroon ng maikling programa kung saan tinalakay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang FLUP ang mga natitirang forestlands ng lungsod ng San Pablo na dinaluhan nina Mayor Loreto S. Amante; Vice Mayor Justin G. Colago; City Local Government Operations Officer (CLGOO) Ms. Maria Alma Barrientos; Pangulo ng Association of Barangay Chairpersons (ABC) Ariston A. Amante, mga kinatawan ng City Planning and Development Office (CPDO) at City Envrionment and Natural Resources Office (City ENRO).

Ito ay personal ring dinaluhan nina Regional Executive Director (RED) Nilo B. Tamoria, Asst. Regional Director for Technical Services (ARDTS) Alfredo C. Palencia, PENRO Ronilo L. Salac at In-Charge Office of the CENRO Sta. Cruz Bernardita C. Daliva.

Layunin ng FLUP na maproteksyunan ang 5% na forestlands ng San Pablo, higit lalo ang mga tinatawag na mga open access areas upang ito ay magamit sa pinaka-angkop at wastong gamit nito. Ang FLUP ay magiging gabay ng lokal na pamahalaan at ng DENR upang mapanatili at maproteksyunan ang kabundukan.

Aniya ni RED Tamoria sa kanyang mensahe ay dapat isagawa ang FLUP gamit ang "beyond compliance" approach. Dahil hindi ito ginagawa ng dahil lamang kinakailangan na mayroong plano bagkus ay magtulungan ang DENR CALABARZON at San Pablo City upang makapag-balangakas ng komprehensibong plano para sa ikabubuti ng lahat ng mamamayan ng San Pablo. Ito naman ay sinang-ayunan ni Mayor Amante at nangakong lubos na makikipagtulungan ang kanilang lungsod sa paggawa nito.

Ang nilagdaang MOA ay sumisimbolo sa pinagtibay na ugnayan at partnership sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng San Pablo at ng DENR CALABARZON tungo sa iisang layunin na mapangalagaan at mapanatili ang ganda ng mga kabundukan ng San Pablo, Laguna

Subcategories