Noong nakaraang Semana Santa, maigting na binantayan ng mga kawani ng DENR-CENRO Real, Quezon na nakatalaga sa UP Llavac monitoring checkpoint sa Real, Kamagong Monitoring checkpoint, at PP1636 Viewdeck sa Brgy. Magsaysay, Infanta, Quezon, ang posibleng iligal na pagbibiyahe ng mga kahoy at iba pang produktong gubat sa lugar. Samantala, nagsagawa din ng LAWIN patrolling sa kahabaan ng mangrove area sa Panukulan at Polillo, Quezon na umabot sa mahigit 15 kilometro.