Naimbitahan ang CENRO Sta Cruz upang samahan ang grupo ng Born To Be Wild (Philippines’ pioneer nature and wildlife documentary series) sa paghuli at pagsagip ng buhay-ilang sa Barangay San Pedro, San Pablo, Laguna kung saan dalawang (2) Philippine Brown Rat Snake (Coelognathus erythrurus) ang natagpuan. Isa rin sa mga naimbitahan ng nasabing programa si Raymond Florentin na kilala sa tawag na, “Cobra King” mula sa Barangay Sta. Maria, San Pablo, Laguna.

Sa kasalukuyan ang Philippine Brown Rat Snake ay may conservation status na Least Concern ayon sa International Union for Conservation of Nature (IUCN).

Ayon sa residente na nakapanayam ng grupo na bagong lipat lamang sa kanilang tinutuluyang tahanan, ay nakarinig sila ng mga kaluskus sa kanilang kisame na sa kanilang palagay ay isang ahas; nagudyok ito para humingi sila ng tulong sa mga eksperto.

Sa pagpunta sa nasabing lugar ay nahuli at nasagip and dalawang ahas at dito natukoy na ang mga nahuli ay Brown Rat Snake. Bilang kilala ang nasabing buhay-ilang na hindi makamandag at matapos suriin na ang mga ito ay malalakas ayon kay Doc Nielsen Donato na isang Wildlife Veterinarian ay pinakawalan din ang mga ito sa isang masukal at magubat na lugar sa San Pablo, Laguna.

Ang CENRO Sta. Cruz ay muling nananawagan sa publiko na kung sino man ang makakita ng mga buhay-ilang na maaaring masagip, maiturn-over, o di kaya ay mayroong ilegal na nagmamay-ari o nagbebenta ay ipagbigay alam ito sa aming tanggapan sa pamamagitan ng aming Telepono (049) 536-8903 o (049) 557-3231, at sulatroniko: cenrosta This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..

Asahan po ninyo na ang DENR ay kaisa niyo sa patuloy na pagtanggol at pagprotekta ng ating mga buhay-ilang, kapaligiran at likas-yaman.