Sa pamamagitan ng tatlong araw na Consultation Meeting and Planning Workshop for the Preparation and Drafting of Forest Land Use Plan for the City of Sto. Tomas, Batangas, opisyal ng sinimulan ang pagbalangkas ng naturang plano para sa lungsod. Aktibo itong dinaluhan ng mga miyembro ng Technical Working Group sa pangunguna ni Hon. City Mayor Edna P. Sanchez at mga department heads ng pamahalaang lokal ng Sto. Tomas.

Ang tatlong araw na aktibidad ay naisakatuparan sa inisyatibo ng City Environment and Natural Resources Office kaagapay ang DENR-Community Environment and Natural Resources Office – Lipa. Kasama rin sa pagpupulong na ito ang mga kinatawan mula sa National Power Corporation, Makiling Center for Mountain Ecosystem, University of the Philippines Los Baños, at ilang Department Heads at kawani ng pamahalaang lokal sa pangunguna ni City Administrator Salvador Geling.

Layon ng programang ito na magbalangkas ng makabuluhang plano at magkaroon ng harmonisasyon ng mga banghay para sa proteksyon at wastong gamit ng mga likas na yaman at kabundukan na nasasakupan ng lungsod gaya ng Mt. Makiling at Mt. Malepunyo. ###