Mahigit 700 katao ang nagtipon-tipon sa iba’t ibang clean-up sites sa rehiyon ng CALABARZON upang makiisa sa Simultaneous Clean-up sa pagdiriwang ng World Oceans Day noong ika-8 ng Hunyo ng kasalukuyang taon.

Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng DENR CALABARZON, Provincial at Community ENR Offices katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, pribadong kumpanya, paaralan, youth organizations, samahan ng mga kababaihan, at iba pang volunteer groups.

Nakapagtala ng 768 na sako ng basura ang nalikom na may bigat na halos 25,000 kilo. Ang mga basura ay pinaghiwa-hiwalay at hinabilin sa LGU upang dalhin sa pinakamalapit na landfill sa lugar,

Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Planet Ocean: Tides Are Changing”. Layunin ng kaganapang ito ay ipaalam sa publiko ang mga epekto ng mga gawi ng tao sa ating mga karagatan, at nais ng United Nations na bumuo ng pandaigdigang kilusan ng mga mamayanan para sa karagatan.

Patuloy ang adhikain ng DENR CALABARZON na pakilusin at hikayatin ang mamamayanan na makiisa sa pangangalaga ng ating karagatan kasama narin ang iba pang anyong uri ng tubig gaya ng ilog, lawa at iba pa.