Patuloy ang paglilinis na isinasagawa ng River Rangers sa mga ilog at iba’t ibang katubigan sa mga probinsya ng Batangas, Cavite, Laguna at Rizal bilang bahagi ng programang Manila Bay Rehabilitation ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman.

Kaakibat ng regular na paglilinis ng mga katubigan ang patuloy na pagsasagawa ng Information, Education and Communication (IEC) campaign sa mga lokal na pamahalaan at komunidad tungkol sa wastong pamamahala ng basura, at pakikipag-diyalogo sa iba pang ahensya ng gobyerno upang mapaigting ang pagpapatupad ng nasabing programa gayundin ng mga nakakasaklaw na batas.

Inilunsad noong ika-27 ng Enero 2019, ang Manila Bay Rehabilitation ay ang pinaigting na programa ng DENR na naglalayong maibalik ang kalidad ng tubig ng Manila Bay sa “SB level” sang-ayon sa Writ of Continuing Mandamus ng Korte Suprema. Mahalagang bahagi ng programa ang paglilinis at pagpapanatili ng kalinisan ng lahat ng mga katubigang konektado sa Manila Bay.