Ang DENR CENRO Sta. Cruz ay patuloy na nakikilahok at sumusuporta sa ika-anim na anibersaryo ng Puno Mula sa Puso, taunang pagtatanim ng mga puno sa baybayin ng lawa ng Laguna sa bayan ng Sta. Cruz.

Noong ika-14 ng Pebrero ay muling isinagawa ang nasabing taunang pagtatanim na inisyatibo ni Mayor Edgar San Luis na kung saan 60 na volunteers mula sa Lokal na Pamahalaan ng Sta. Cruz, DENR CENRO Sta. Cruz na pinangunahan ni OIC, CENRO Venerando U. Garcia, Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) Laguna, Academe, Civil Society Organizations (FEDESCO) of Sta. Cruz, at mga mamamayan ng bayan ng Sta. Cruz ang nakapagtanim ng 300 na punla ng narra (Pterocarpus indicus) at bitaog (Callophylum inophyllum).

Ang nasabing aktibidad ay naglalayon na maitaas ang antas ng kaalaman ng bawat isa patungkol sa kahalagahan ng pagtatanim ng mga puno sa patuloy na adhikain ng DENR na pagpapayabong, pag-aalaga, at pagpoprotekta ng kapaligiran at likas yaman.