Photo Releases

Pagpapakawala ng bayawak at sawa sa Binahaan River Watershed Forest Reserve (BRWFR) noong ika-18 ng Hulyo 2021, na isinagawa ng CENRO Tayabas kasama ang PENRO Quezon at Regional Office ng DENR CALABARZON.

Pagdalo ng mga lisensyadong Forester ng CENRO Tayabas, CENRO Real, CENRO Catanauan, CENRO Calauag, PENRO Quezon at SLSU sa isinagawang sabay-sabay na pagtatanim o Simultaneous Tree Planting Activity ng Professional Regulation Commission (PRC), Board of Foresters katuwang ang Society of Filipino Foresters Inc. (SFFI) noong ika-25 ng Hunyo 2021 sa Brgy. Ibabang Palale, Tayabas City.

Pagdalo ni Regional Executive Director Nilo B. Tamoria ng DENR CALABARZON sa pagpupulong ng mga empleyado ng PENRO Quezon at CENRO Tayabas, kung saan niya binigyang-diin ang pagsasaayos ng Upper Marikina River Basin Protected Landscape, tamang pamamahala ng mga basura upang maiwasan ang pagpunta sa katubigan gaya na lamang ng Manila Bay, at papapalakas ng Enforcement Sector. Ginanap ang pagpupulong na ito noong ika-5 ng Hulyo 2021 sa DENR PENRO Quezon 3rd Floor Building, Brgy. Ilayang Iyam, Lucena City.

Information, Education and Communication campaign na ginanap sa Brgy. Lipata at Brgy. San Juan, Panukulan, Quezon noong 21-22 ng Hulyo, 2021.

Tuloy-tuloy ang pagbabahagi ng kaalaman ng mga kawani ng DENR CENRO Real sa mga Batas Pangkalikasan na ngayon ay ginanap sa bayan ng Panukulan, Quezon.

Aktibong nakilahok ang mga mamamayan ng Brgy. Lipata at ang Sangguniang Barangay.

Sa ikalawang araw, ginanap ang IEC campaign sa Pamahalaang Bayan ng Panukulan at dumalo ang mga Punong Barangay ng Panukulan na kumakatawan sa labintatlong(13) Barangay kasama si Designated MENRO Jenecyl Dela Cruz.

Ibinahagi nina EMS1 Azor Bonita at FT1 Margie Buencamino Atendido ang nilalaman ng PD705 ,RA 9147 o ang Wildlife Act at Chainsaw Act. Sumunod ay ang RA 7942 o Phil. Mining Act na tinalakay ni MGB Embedded Geologist Adam Paulo Reyes. At ang RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 na tinalakay ni EMB Embedded Aileen BaƱado Flaviano.

Namahagi ng IEC materials sina FEO Maria Rose Estrella, FEO Jeanlyn Banzuela Hemor at FPO Jennifer Eranista sa mga dumalo sa gawaing ito.

Isang tree planting activity ang isinagawa ng PENRO Laguna kasama ang Laguna Bird Lover and Breeder (LBLB) sa Tanaw Park, Tala, Rizal, Laguna noong 17 Hulyo 2021. Ito ay pinanguhan ng Conservation and Development Section (CDS) ng PENRO Laguna sa pamamagitan ni For. Melvin L. Lalican at ng National Greening Program (NGP) Focal Person, For. Abigail A. Valdez. Maayos ring naisakatuparan ang nasabing activity dahil sa mainit na pagtanggap at pagpapa-unlak ni Vice Mayor Antonino A. Aurelio ng Rizal, Laguna. Ang nasabing tree planting ay ninais na maisagawa ng samahang LBLB bilang pagsuporta sa mga greening efforts at forest rehabilitation program ng DENR.

Tinatayang 350 punla o seedlings ng puno ang naitanim sa may vicinity ng Tanaw Park ng mga miyembro ng LBLB, mga piling personnel ng PENRO Laguna at ilang mga personnel mula sa pamahalaang bayan ng Rizal.

Ang Tanaw De Rizal Park or Tanaw Park ay isang kilalang eco-tourism destination na ipinagmamalaki ng bayan ng Rizal. Ang nasabing parke ay humigit-kumulang na 600 ektarya ng forest protected area.

Subcategories