Lucena City – Nakiisa sa ginanap na Committee Hearing ang Department of Environment and Natural Resources – CENRO Real, Quezon at ang Sangguniang Bayan ng General Nakar, Quezon upang i-indorso ang Sangguniang Bayan Resolution Bilang 2023-105 na pinamagatang “A Resolution Supporting and Indorsing to Legislate as Umiray Protected Landscape the Umiray River Watershed Reservation situated in Sitio Angelo, Sition Malining and Sitio Pyrites within Umiray Watershed; Thereby Adopting the Protected Area Suitability Assessment (PASA) of the Department of Environment and Natural Resources (DENR)” sa Sangguniang Panlalawigan ng Quezon.
 
Matapos ang pagpresenta sa Sangguniang Panlalawigan ng Quezon na pinagtulong-tulungan na sagutin ng CENRO Real sa pangunguna ni CENR Officer Oliver Olivo at Sangguniang Bayan ng General Nakar sa pangunguna ng Komite sa Pangkapaligirang Pangangalaga na pinangunahan ni Konsehal Hernando Avellaneda, ay inaprobahan na ng Sangguniang Panlalawigan ang nasabing Resolution Bilang 2023-105.###