Isa sa hakbang upang madeklarang Pinangangalagaang Pook ang Panukulan Watershed Forest Reserve (PanWFR) ay ang pagsasagawa ng Public Consultation at pagtalakay sa resulta nang isinagawang Protected Area Suitability Assessment.
 
Tinalakay ni Community Environment and Natural Resources Office - Conservation and Developmention Section (CENRO CDS) Chief, Julieta G. Abuejela ang kahalagahan ng pagdedeklara sa PanWFR bilang isang Protected Area. Kanya ring binigyang pansin ang mga buhay-ilang na matatagpuan lamang sa PanWFR na dapat pangalagaan at protektahan dahil ang mga ito ay endemic sa lugar na ito.
 
Kasunod nito, tinalakay ni Forest Technician II Webster C. Bringel ang resulta ng isinagawang Protected Area Suitability Assessment sa mga Barangay ng Bato, Milawid at Lipata.
 
Sa huli, nagkaroon rin ng talakayan at paglilinaw sa mga usapin tungkol sa hangganan ng PanWFR at sa mga posibleng proyekto na pedeng ilatag sa loob ng Panukulan Watershed.