Calaca City, Batangas  ˗˗ Ang Department of Environment and Natural Resources- Community Environment and Natural Resources Office (DENR-CENRO) Calaca City ay nakilahok sa pagsasagawa ng 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill nitong ika-7 ng Setyembre.

Ang mga kawani ng CENRO Calaca ay lumahok muna sa isang seminar na pinangunahan ng Civil Defense Office sa pamamagitan ng Facebook Live. Matapos ang seminar ay nagkaroon ng ceremonial sounding ng buzzer na nagpapahiwatig na simula na ng earthquake drill. Lumahok at ginampanan ng bawat kawani ang kanilang mga dapat gawin sa oras na magkaroon ng sakuna dulot ng lindol. Bukod sa pag-"Duck, Cover, and Hold", ay nagkaroon din ng evacuation drill, kung saan ang mga empleyado at maging ang mga kliyente sa nasabing araw ay lumikas sa designated evacuation areas.

Layunin ng pagsasagawa ng earthquake drills ay ang maihanda ang mga tao kung ano ang dapat gawin sa pagkakataon na makakaranas ng paglindol. Ito din ay naglalayong palakasin ang mga kapasidad ng lahat ng sektor upang mabawasan ang mga panganib at epekto na dulot ng lindol.###