Isang (1) Black-Crowned Night Heron (Nycticorax nycticorax) na mula sa Barangay Duhat, Sta. Cruz, Laguna ang naiturn-over sa tanggapan ng CENRO Sta. Cruz.

Ang Black-Crowned Night Heron ay isang uri ng Water Bird Species na karaniwang matatagpuan sa mga latian tulad ng Lawa ng Laguna. Ayon sa International Union for the Conservation of Nature (IUCN), ang nasabing ibon ay kabilang sa Least Concern na mga uri ng hayop.

Ang nasabing buhay- ilang ay nadala agad sa tanggapan ng CENRO Sta Cruz at sa araw ding iyon  at ito ay sinuri upang mapagalaman ang kalagayan nito. Batay sa pagsusuri, nang ibon ay bulag ang kaliwang mata at may sugat  sa kaliwang paa. Sa kasalukuyan, ito ay nasa pangangalaga ng Regional Wildlife and Rescue Center ng DENR CALABARZON na matatagpuan sa Brgy. Lamot II, Calauan, Laguna.

Ang CENRO Sta. Cruz ay muling nananawagan sa publiko na kung sino man ang makakita ng mga buhay-ilang na maaaring masagip, maiturn-over, o di kaya ay mayroong ilegal na nagmamay-ari o di kayaĆ½ binebenta ay ipagbigay alam ito sa aming tanggapan sa pamamagitan ng aming Telepono (049) 536-8903 o (049) 557-3231, at sulatroniko: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..###