Noong ika-20 ng Hunyo, inimbitahan ang Punong Direktor ng Rehiyon ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman ng Rehiyon ng CALABARZON na si Nilo B. Tamoria upang pormal na buksan ang karaban para sa Peace and Order, and Public Safety (POPS) kasabay ng ika-60 taong pagkakatatag ng bayan ng Real sa probinsya ng Quezon.

Binigyang pagpupugay ni Direktor Tamoria ang pamunuan ng bayan sa kanilang pagsisikap upang lalong mapalago ang kanilang bayan. Ipinaalala rin niya ang responsibilidad ng bawat isa sa pangangalaga ng ating kalikasan, aniya “huwag nating kalimutan ang ating responsibilidad na protektahan at pangalagaan ang mahahalagang yaman na nasa paligid natin.”

Dagdag pa ni Tamoria “maging tagapangalaga tayo ng ating kapaligiran, siguruhing may pananatilihin tayong mga pangmatagalang paraan at pangangalaga sa kagandahan ng kalikasan na ipinagkaloob sa atin.”.

Ang programa ay ginanap sa Real Central Elementary School Grandstand. Ang pagbubukas ng program ay sinundan ng ceremonial ribbon cutting ng Agri-Aqua Trade Fair, kasama sina Kgg. Diana Abigail Diestro- Aquino, Punong Bayan ng Real; Kgg. Doyle Joel M. Diestro, Halig Punong Bayan, at ilang mga natatanging panauhin kabilang si Direktor Tamoria.