Isinagawa ang malawakang International Coastal Clean-up sa bayan ng Lemery, Batangas nitong Setyembre 16, 2022. Ito ay pinangunahan ng DENR-CENRO Calaca sa pamumuno ni CENR Officer Isagani Q. Amatorio na sinuportahan ng PENRO Batangas sa pamumuno ni PENR Officer Noel M. Recillo at CENRO Lipa City sa pamumuno ni CENR Officer Allan Willard M. Estillore. Nakilahok din sa nasabing aktibidad ang LGU ng Brgy. Wawa, Lemery Batangas; MENRO, Lemery; ilang mga pribadong kumpanya gaya ng Canon Inc at Kerry Group Inc ; at ilang pribadong grupo gaya ng Community Rescue Volunteers and Eagles Group. Nasa humigit kumulang 300 na volunteers ang nakibahagi sa aktibidad na ito na nakapangolekta ng tinatayang 90 sako ng basura sa 2-km kahabaan ng dalampasigan ng Brgy. Wawa Ibaba, Wawa Ilaya at District 1 ng Lemery, Batangas.