Isinigawa ng City Environment & Natural Resources Office ng Lungsod ng Sto. Tomas, Batangas sa pakikipag-ugnayan sa DENR at PG-ENRO Batangas, ang isang seminar upang balikan at tingnan ang mga 'Rules & Regulations' ukol sa Tree Cutting, Small Scale Mining, at Solid Waste Management.

Isa sa mga resource speaker o tagapagsalita ay si Forester I Angela Marie Agapay mula sa Regulation and Permitting Section ng CENRO Lipa kung saan ibinahagi niya ang iba’t-ibang polisiya ukol sa Tree Cutting, Tree Registration, Harvesting and Transport. Binigyang diin ni Forester Agapay ang mga permits na kinukuha sa ahensya at anu-ano ang mga pangunahing dokumento o requirements tugma dito.

Ang nasabing seminar ay dinaluhan ng tinatayang 100 kalahok mula sa iba't ibang barangay na binubuo ng mga barangay functionaries at registered chainsaw operators, gayundin ang mga kawani mula sa Enforcement and Monitoring Section at Manila Bay Site Coordinating/Management Office ng CENRO Lipa. Ilan din sa mga naging tagapagsalita ay mula sa PG-ENRO PMRB, and EMB PEMU Batangas.