Los Baños, Laguna – Pinangunahan ng PENRO Laguna ang pagsasagawa ng pulong ng Provincial Multi-Sectoral Forest Protection Committee Meeting (PMFPC) na may layuning talakayin at suriin ang PAILTF Resolution No. 1 o ang “Creation of Provincial Anti-Illegal Logging Task Force (PAILTF)” sa PENRO Laguna Multi-Purpose Hall, Lalakay, Los Baños, Laguna noong 23 Marso 2022.

Ito ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) sa katauhan ni G. Von Eugenio; National Power Corporation (NPC) – Caliraya-Lumot Watershed Area Team Head - Forester Edmon R. Enriquez; Makiling Center for Mountain Ecosystems (MCME) sa katauhan ni Forester Geine Joseph Esguerra; NPC Makiling-Banahaw Watershed Area Team sa pamumuno ni Forester Mendel S. Garcia; mga kinatawan mula sa UPLB Land Grant Management Office (UPLB-LGMO); PG-ENRO Laguna at OIC-CENRO Venerando U. Garcia ng CENRO Sta. Cruz

Ilan pa sa mahahalagang tinalakay sa nasabing pagpupulong ang pagtitibay ng nasabing PAILTF Resolution No. 1 at ang nakatakdang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ng mga miyembro upang buhayin mula ang PAILTF at ang mga kani-kaniyang mga accomplishments patungkol sa forest protection activities sa lalawigan ng Laguna. Ang nasabing MOA signing ang nakatakdang isagawa sa darating na Hunyo 2022.

Ang Multi-Sectoral Forest Protection Committee ay isang participatory approach ng pamahalaang nasyonal upang isali at bigyang papel ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno maging mga civil society groups na maproteksyunan at mapangalagaan ang mga kagubatan.###