Naglunsad ng isang Community PlanTree: "Kumuha ng Kayang Alagaan, Magtanim para sa Kalikasan" and PENRO LAGUNA sa pangunguna ng DENR CALABARZON, kasama ang iba pang mga Field Offices sa buong rehiyon kasabay ng pagdiriwang ng ika-34 na anibersaryo ng DENR.

Ang PENRO LAGUNA ay nakapagbigay ng humigit-kumulang 2,050 punla ng mga indigenous species (Narra, Bitaog), fruit-bearing trees (Rambutan, Guyabano, Cacao, Coffee) at flowering trees (Golden Shower) sa lahat ng bumisita sa nasabing community plantree na isinagawa sa Lalakay Elementary School - Lalakay, Los Banos, Laguna.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Conservation and Development Section ng PENRO Laguna at ng NGP Focal Person. Ang mga ipinamigay na mga punla ay mula sa nursery ng opisina sa Calauan, Laguna.