Bilang paggunita sa ika-34  na anibersaryo ng DENR na may temang DENR@34: Celebrating a Greener and Safer Environment at Philippine Environment Month 2021, ang DENR CENRO Lipa ay nagsagawa ng isang “Community PlanTrees na may temang “Kumuha ng Kayang Alagaan, Magtanim para sa Kalikasan.”

Ito ay naglalayong hikayatin ang publiko na magsimulang magtanim ng mga “native”, bumubulaklak at namumungang mga puno sa bawat bahay, bakuran at komunidad upang matagunan ang problema sa pagbabago sa klima, kakulangan sa pagkain at mas mahikayat ang publiko upang aktibong makilahok sa iba’t-ibang programa at inisyatibo sa kampanya ng “Tayo ang Kalikasan” ng departamento.

Ang nasabing programa ay inilunsad sa harapan ng opisina ng DENR CENRO Lipa kung saan humigit kumulang na dalawang daan at limampu (250) na piraso ng “native hardwood”, “flowering” at “fruit bearing trees” tulad ng Narra (Pterocarpus indicus), Dao (Dracontomelon dao), Molave (Vitex parviflora), Banaba (Lagerstroemia speciosa), Ilang-ilang (Cananga odorata), Nangka (Artocarpus heterophyllus), Guyabano (Annona muricata), at Cacao (Theobroma cacao) ang ipinamahagi sa mga kliyente, kalapit na opisina ng gobyerno, Local Government Unit (LGU) at mga mga pribadong indibidwal.

Nagkaroon din ng maikling programa sa pangunguna ni OIC CENR Officer Januel Peras kasama ang mga empleyado ng opisina kung saan binati niya ang bawat isa sa pagdiriwang ng anibersaryo ng DENR at kinilala at pinasalamatan ang hindi matatawarang kontribusyon ng bawat empleyado ng DENR lalo’t higit ng mga taga DENR CENRO Lipa sa patuloy na paglilingkod sa publiko upang mapangalagaan at maprotektahan ang ating kapaligiran at likas na yaman.

Namigay din ng mga nasabing punla sa City Hall ng Lipa kabilang na ang ilang barangay katulad ng Brgy. San Celestino, Malitlit, Talisay at Sto. Niňo, NGO at Academe noong isinagawa ang “Consultation Meeting & Planning Workshop for the Preparation and Drafting of Forest Land Use Plan for the City of Lipa.” Ang nasabing programa ay nilahukan din ni Mayor Eric Africa kung saan pinuri niya ang mga inisyatibo ng tanggapan at ang patuloy na pakikipagtulungan sa bayan ng Lipa ukol sa pangangalaga at pagprotekta ng kalikasan.

Para sa mga susunod pang aktibidad kagaya nito, umantabay lamang po dito sa aming official Facebook account para sa mga anunsyo.