
PAGBILAO, QUEZON โ Sa ika-labing anim na pagdiriwang ng Month Of the Ocean (MOO), ang Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Tayabas ay nanguna sa pagtatanim ng mga bakawan noong 13 Mayo 2020 sa Palsabangon Mangrove Swamp Forest Reserve, Ibabang Palsabangon, Pagbilao, Quezon.
Nasa dalawang daan at limampung piraso ng mga pananim na binubuo ng mga species na bakawang babae (๐๐ฉ๐บ๐ป๐ฐ๐ฑ๐ฐ๐ณ๐ข ๐ฎ๐ถ๐ค๐ณ๐ฐ๐ฏ๐ข๐ต๐ข) at bakawang bato (๐๐ฉ๐บ๐ป๐ฐ๐ฑ๐ฐ๐ณ๐ข ๐ด๐ต๐บ๐ญ๐ฐ๐ด๐ข) ang naitanim ng mga kinatawan ng CENRO Tayabas, maging na rin ng mga kasamahan nitong nagmula sa Regional Office ng DENR CALABARZON, Ecosystem Research and Development Bureau-Urban and Biodiversity Research, Development and Extension Center (ERDB-UBRDEC) at Mother Earth Ecosystem Society (MEES).
Sa temang โThe Science We Need for the Ocean We Wantโ, para sa taong ito, ang nasabing ahensiya ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng mangrove o bakawan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng nasabing aktibidad at pagbibigay ng mahahalagang impormasyon tungkol dito.
- Details
- Parent Category: News & Events
- Category: Photo Releases
- Published: 02 June 2021