Unisan, Quezon – Isinagawa ang Tayo Ang Kalikasan (TAK) Orientation at Ecological Solid Waste Management Lecture ng Community Environment and Natural Resources (CENRO) Tayabas sa bayan ng Unisan, Quezon noong 14 Mayo 2021.

Ang gawaing ito ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Local Government Unit (LGU), Municipal Environment and Natural Resources (MENRO), mga kapitan at iba pang kinatawan ng nasabing bayan.

Kabilang sa mga tinalakay ang tamang pamamahala ng basura, batayan ng paraan ng paghihiwahiwalay ng basura, mahahalagang impormasyon patungkol sa microplastic, apat (4) na Rs ng waste management, atbp.

Itinalaga ring gawin ang Action Plan at pagtukoy sa issues and concerns na kinahaharap ng kani-kanilang barangay. Pinag-usapan din ang mga pangakong gawin ng bawat barangay bilang pakikiisa sa programang Tayo Ang Kalikasan na isasama sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Bayan ng Unisan, Quezon at CENRO Tayabas.