Bilang paggunita sa “Araw ng mga Puso” nitong nakaraang Pebrero 14, 2024, ang Rehiyonal na Punong Tagapagpaganap (Regional Executive Director) ng DENR CALABARZON na si G. Nilo B. Tamoria, CESO III ay nagbigay ng munting regalo sa lahat ng mga babaeng empleyado kasama ang mga utility personnel, at mga gwardya ng buong opisina. 

Sinorpresa ng direktor ang mga babae niyang kawani nang siya mismo ang nagpunta at namigay isa-isa ng mga rosas sa mga ito. 

Nabigyan din ng direktor ng rosas ang lahat ng mga babaeng kliyente ng opisinang naroon, nang araw na iyon.

Tunay ngang ang direktor ng DENR CALABARZON ay patuloy na isinasabuhay ang kanyang binitawang mensahe para sa kanyang mga nasasakupan nitong kamakailangang pasko lamang na, “Walang maiiwan, lahat kasama...” ###