Bilang patuloy na pagpapaala-ala sa mga mamamayan ng REINA (Real, Infanta, Nakar), nagpaskil ang DENR CENRO Real ng mga babala sa kahabaan ng MARILAQUE highway na matatagpuan sa Barangay Magsaysay, Infanta, Quezon, upang ipaalam ang pagbabawal sa paninirahan at pagtatayo ng kahit anong istruktura sa loob ng Pinangagalagaang Pook (PP1636) ng walang kaukulang pahintulot sa Protected Area Management Board (PAMB) at ng DENR.
 
Nakaindika rin sa nasabing mga ang mga kaukulang multa o parusa sa paglabag sa batas na ito.
Ang mga nasabing karatula ay inilagay sa mga lugar kung saan ay madali itong makikita ng mga dumadaan. Ang mga ito ay matatagpuan sa KM3, Sitio Tigkay at Sitio Kamagong, Brgy. Magsaysay, Infanta, Quezon.###