Alinsunod sa panawagan ng Department of National Defense, nakiisa ang DENR CENRO Lipa City sa 3rd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill na isinagawa noong nakaraang Setyembre 7, 2023.

Ganap na alas 2 ng hapon nang simulang patunugin ang “fire alarm” bilang hudyat ng pagsasagawa ng nasabing aktibidad. Sabay sabay na nag “duck, cover and hold” ang mga empleyado na kasalukuyang nasa loob ng opisina kasunod ng maayos na pagbaba sa hagdan upang pumunta sa mas ligtas na lugar.

Layunin ng aktibidad na ito na hikayatin ang mas maraming tao lalo na ang nasa sektor ng ating gobyerno na alamin ang mga dapat at hindi dapat gawain sa panahon ng mga sakuna o kalamidad lalo na sa panahan ng paglindol. Matatandaan na ang probinsya ng Batangas ay isa sa mga lugar sa ating bansa na kabilang sa most seismically active areas dahil sa Lubang fault na matatagpuan sa pagitan ng Batangas at Mindoro.###