Pinangunahan ni Department of Environment and Natural Resources IV-A Regional Executive Director Nilo B. Tamoria at Sto. Tomas City Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) hinggil sa Forest Land Use Plan (FLUP) para sa lungsod ng Sto. Tomas, Batangas. Ang MOA na ito ang tutulong sa lungsod upang mas maayos na matukoy ang kinakailangang pangangalaga sa kagubatan, lalo na sa may parte ng Mt. Makiling na sakop ng Sto. Tomas, Batangas.

Ang pagtutulungang ito ay pinagtibay nina City Mayor Marasigan at nina RED  Tamoria, kasama sina Batangas PENR Officer Noel M. Recillo, Lipa CENR Officer Allan Willard M. Estillore, City ENRO Eric C. Velasco, CPDO Leendel Jane D. Punzalan, MCME-UPLB OIC-Director Dr. Rogelio T. Andrada II at NPC-MBWAT Section Chief For. Mendel S. Garcia.

Ang aktibidad na ito ay sinaksihan rin nina City Vice Mayor Catherine Jaurigue- Perez kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at ng ilang mga kawani ng mga opisina sa Lokal na Pamahalaan. 

 

Photo courtest of Sto. Tomas, Batangas FB Page