Ang DENR-CENRO Real Polillo Sub-station ay nagsagawa ng LAWIN Patrolling sa Mt. Malulod, ang pinakamataas na tuktok na matatagpuan sa Sitio Bigyan, Brgy. Sibulan, Polillo, Quezon. Kabilang ito sa global conservation hotspot ng Pilipinas at isang pinangangalagaang pook sa Polillo Group of Islands.

Umabot sa 11.6 km ang pinatrolya ng grupo. Kabilang sa mga naobserbahan ay ang mga huni ng mga ibong Pipit, Tariktik, Pulangang-ilog, Walak-walak, Balisara at Oriental Honey Buzzard. Natapos ang pagpapatrol na walang naitalang banta sa kapaligiran.