Catanauan, Quezon - Ang DENR-CENRO Catanauan ay nakiisa sa pagdiriwang ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) month na isinasagawa tuwing buwan ng Agosto ng bawat taon.

Nagsuot ng mga pambansang kasuotan ng iba’t-ibang mga bansa na kabilang sa ASEAN ang mga empleyado ng CENRO Catanauan upang makiisa sa pagdiriwang.. Ito ay isinagawa tuwing araw ng Lunes sa buwan ng Agosto upang maipakita ang pagsuporta sa nasabing selebrasyon. Ang ASEAN ay nagsimula noong Agosto 8, 1987 sa Bangkok, Thailand. Ito ay binubuo ng sampung (10) bansa, ang Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, Brunei, Vietnam, Laos, Myanmar, Cambodia, at kabilang na rin ang Pilipinas.

Ang nasabing selebrasyon ay isinasagawa upang maipakita ang pagkakaisa ng mga bansa pagdating sa ekonomiya at kultura ng Timog Silangang Asia. Ang samahan ay naglalayong magkaroon ng ekonomiya at panlipunang pag-unlad, maitaguyod ang kapayapaan sa rehiyon, isulong ang aktibong pakikipagtulungan, karagdagang paglago ng agrikultura, industriya, at kalakalan, at mapanatili ang umiiral na pakiklipagtulungan sa mga pandaigdigang organisasyon na may kaparehong adhikain. ###