Nagsagawa ng Information, Education and Communication campaign ang mga kawani ng CENRO Real tungkol sa National Greening Program ng DENR. Ito ay idinaos sa Pamahalaang Barangay ng Brgy. Tanauan, Real, Quezon noong ika-31 ng Marso ng kasalukuyang taon. Ito ay dinaluhan ng Sangguniang Barangay ng Brgy. Tanauan na pinamunuan ni Brgy. Captain Rodelio L. Torres at ang People’s Organization na Barangay Tanauan Farmers Association (BATAFA) sa pamumuno ng kanilang presidente Francisco D. Elle. Ipinaliwanag ni NGP Coordinator Zaira Jane O. Empamano ang programa at ang mga layunin nito. Upang higit na maunawaan ng mga tagapakinig ay kanyang inilahad at ipinaliwanag ang mga bahagi ng proyekto ng NGP na binubuo ng seedling production, plantation establishment at maintenance. Nagbigay rin ng karagdagang impormasyon tungkol dito si Forester Hernan Merillo ang kasalukuyang NGP Coordinator ng PENRO Quezon.