Kusang loob na isinurrender ni Kapitan Ronaldo N. Oñate ng Brgy. Putho-Tuntungin, Los Baños, Laguna ang isang Philippine Cobra sa DENR-PENRO Laguna noong nakaraang Pebrero. Agad naman itong dinala ng nasabing opisina sa DENR CALABARZON Regional Wildlife and Rescue Center sa Brgy. Lamot II, Calauan, Laguna para sa pansamantalang kustodiya bago ito pakawalan sa natural nitong tahanan.

Muli ay pinapaalalahan ang publiko na: Ang PAGPATAY, PAGSIRA, PANANAKIT O PAGMAMALTRATO, PAGKALAKAL, PAGKOLEKTA, PANGANGASO, PAGTATAGLAY AT PAG-BIBIYAHE ng anumang uri ng buhay-ilang at maging pagsira ng kanilang mga tahanan ay MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL sa ilalim ng Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Kung kayo man po ay may anumang impormasyon patungkol sa mga nabanggit na mga ilegal na gawain, huwag mag-atubiling ito ay ireport sa aming tanggapan sa pamamagitan ng aming telepono (049) 536-5889 o email This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o sa opisyal na Facebook Page ng DENR CALABARZON.