CATANAUAN, QUEZON- Ang CENRO Catanauan, Quezon ay nakiisa sa pagdiriwang ng ASEAN Month sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga pambansang kasuotan ng mga bumubuo sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) tuwing araw ng Lunes sa buwan ng Agosto.

Nagsuot ng mga makukulay na kasuotan ang mga empleyado ng CENRO Catanauan upang maipakita ang suporta sa pagdiriwang ng ASEAN Month. Gayundin, nagkaroon ng pagpili sa mga empleyado na mayroong magagandang kasuotan at ginawaran ang mga ito ng kaukulang premyo.

Ang ASEAN ay naitatag noong Agosto 8, 1967 sa Bangkok, Thailand sa pamamagitan ng paglagda sa ASEAN Declaration. Binubuo ito ng sampung (10) bansa kabilang ang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand at Vietnam ang ASEAN. ###