Ang Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman Panrehiyong Tanggapan Blg. 4A (CALABARZON) kasama ang ilang Lions Club International (LCI) sa ilalim ng Distritong 301-A2 sa  ilalim ng pamumuno ng Gobernador at Pangalawang Kalihim sa Pamamahala ng Solidong Basura at mga Usapin ng Lokal na Yunit ng Pamahalaan at Tagapangasiwa ng Estratehikong Komunikasyon at mga Pagpapasimunong Serbisyo Benny D. Antiporda at Charter President Maria Zenaida J. Ruiz ay nagsagawa ng paglagda sa isang Kasulatan ng Pagkakaunawaan (Memorandum of Understanding) at pagbibigay ng mga Prepaid Wifi.

Ang kasulatan ay sa pagitan ng DENR CALABARZON at mga napiling paaralan sa rehiyon. Ito ay sa pagsasagawa ng proyekto ng ENR Ambassador na nakapaloob sa kampanyang Tayo Ang Kalikasan, na naglalayong pag-igtingin ang partisipasyon ng mga kabataan sa pangangalaga, at pangagasiwa ng  kalikasan at likas na yaman. Nais din pag-igtingin ang kanilang pakikilahok sa mga programa at mga aktibidad sa pagpapalaganap ng mga impormasyon patungkol sa mga adbokasiya sa pangangalaga ng kapaligiran.

Ang sumusunod na labing isang (11) paaralan katuwang ang ilang Lions Club ay napagkalooban ng Prepaid Wifi Units na may kabuuang bilang na apat napu’t siyam (49):

    - Aplaya National High School (Sta. Rosa, Laguna) at Sta. Rosa Centennial MJF;

    - Sto. Angel National High School (San Pablo City, Laguna) at San Pablo Lake City MJF;

    - Col. Lauro D. Dizon Memorial Integrated High School (San Pablo City, Laguna) at Seven Lakes MJF;

     - Dolores National High School (San Pablo City, Laguna) at San Pablo Emerald MJF;

    - Rosario National High School (Rosario, Batangas) at Lipa Metro Centennial;

    - Gov. Luis A. Ferrer, Jr. East National High School (General Trias, Cavite) at General Trias Lions Club;

    - GMA Technical High School (GMA, Cavite) at GMA Holy Family MJF;

    - Paliparan III Senior High School (Dasmariñas, Cavite) at Cavite Educators Lions Club;

    - Tagaytay City National High School (Tagaytay City, Cavite) at Tagaytay La Prairie Host;

    - Francisco P. Tolentino Integrated High School (Tagaytay City, Cavite) at Amadeo Class 86th;

    - Tanza National Trade School (Tanza, Cavite) at Cavite Filam Educators 101

Nakadalo rin ang mga presidente at miyembro ng Dasmariñas Lions Club PMJF at Cavite City Lions Club MJF, at ang tagapangulong sina Cynthia Abellar at Ramil Gualberto.