Isang lecture at information campaign ang isinagawa ng PENRO Laguna sa pangunguna ng Regulation and Permitting Section sa Brgy. Gulod, Cabuyao City, Laguna upang mabigyan ng wastong impormasyon at kaalaman ang mga residente ng nasabing barangay sa proseso ng pagpapatitulo. Gayundin, nagkaroon ng consultation sa mga Land Management Inspectors at Deputized Public Land Investigators ang mga residenteng nagnanais magkaroon ng titulo upang mabigyan ng tamang payo at gabay sa mga dapat gawin, mga dokumentong kinakailangan at proseso upang mapatituluhan ang kani-kanilang mga lupa. Ang nasabing patent drive ay isang initiative ng PENRO Laguna upang maipahatid sa mga lokal na komunidad ang mga serbisyong hatid nito katulad ng Residential at Agricultural Free Patent.