Ang ikatlong regular na PAMB meeting ng Minasawa Island Game Refuge and Bird Sanctuary (MIGRBS) ay idinaos noong ika-7 ng Setyembre, 2023 ganap na 10:00 ng umaga sa bayan ng Burdeos, Quezon. Ang pagpupulong na ito ay dinaluhan ng siyam sa labinlimang myembro ng PAMB. Dito ay tinalakay ang resulta ng isinagawang Bidiversity Monitoring System sa isla ng Minasawa para sa pangalawang semester. Tinalakay din ang mga isyu at banta sa mga buhay ilang sa isla. Ang pagpupulong ay ipininid sa ganap na 11:45 ng umaga.###