Nakikiisa ang DENR CALABARZON sa pagdiriwang ng “Kainang Pamilya Mahalaga” Day.
Ito ay alinsunod sa Proklamasyon Bilang 326 (s. 2012) na idineklara ang pagdiriwang tuwing ika-apat na Lunes ng Setyembre. Layunin nitong kilalanin ang importansya ng pagkain ng sabay-sabay ng bawat miyembro ng pamilya upang palakasin ang relasyon ng mga magulang sa kanilang mga anak.
 
Kasabay nito ay ipinagdiriwang din ang “Family Week” ayon sa Proklamasyon Bilang 60 (s. 1992) sa pangunguna ng National Committee on the Filipino Family na nagsusulong sa layuning palakasin ang pamilya bilang pangunahing unit ng ating lipunan. Ayon sa Section 12, article XV ng konstitusyon ng Pilipinas, kailangang pagtibayin ang pamilyang Pilipino bilang pundasyon ng ating bansa. Kaya naman patuloy ang pagsasagawa ng pamunuan ng mga aktibidad kaugnay nito upang mapahalagahan ang pamilya.
 
Ngayong taon ay ating ipinagdiriwang ang ika-31 National Family Week. Bilang suporta sa selebrasyon at sa bisa ng Memorandum Circular No. 32 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, suspendido ang pasok sa lahat ng ahensya ng gobyerno ngayong Lunes (ika-25 ng Setyembre) sa ganap na ika-3 ng hapon.