Catanauan, Quezon- Ang mga permanenteng empleyado ng DENR-CENRO Catanauan ay sumailalim sa libreng medical laboratory examination sa pangunguna ng DENR Employee’s Union (DENREU).

Ito ay isinagawa upang mamonitor ang kalusugan ng mga empleyado at manatiling malusog ang pangangatawan upang makapagbigay ng maayos na serbisyo sa publiko. Kabilang ang urinalysis, Complete Blood Count (CBC) at electrocardiogram (ECG) sa mga isinagawang eksaminasyon. Isinagawa rin ito upang matukoy kung mayroong sakit ang mga empleyado at kung ano ang magiging lunas upang maging physically fit sa mga gawain na nakaatang sa bawat kawani. Dagdag pa rito, magkakaroon din ng libreng konsultasyon ang mga empleyado para sa resulta ng mga isinagawang laboratory examinations. ###