Isang (1) juvenile Paradise Tree Snake (Chrysopelea paradisi) na mula sa St. Joseph Subdivision, Barangay San Juan, Sta Cruz, Laguna ang naiturn-over sa tanggapan ng CENRO Sta. Cruz.

Ang Paradise Tree Snake ay nabibilang sa Least Concern na mga uri ng hayop. Ito ay karaniwang matatagpuan sa mga isla ng ating bansa tulad ng Panay, Luzon, Negros Oriental at Sulu Archipelago.

Ayon kay Ginoong Gino Almanzo, nakita lamang nila ang nasabing ahas sa loob ng kanilang bahay. Agaran siyang nakipag-ungnayan sa CENRO Sta. Cruz upang maiturn-over agad at maipasuri ang kalagayan nito.

Ang Paradise Tree Snake ay nasa pangangalaga ngayon ng Regional Wildlife and Rescue Center ng DENR CALABARZON na matatagpuan sa Brgy. Lamot II, Calauan, Laguna.

Ang CENRO Sta. Cruz ay muling nananawagan sa publiko na kung sino man ang makakita ng mga buhay-ilang na maaaring masagip, maiturn-over, o di kaya ay mayroong ilegal na nagmamay-ari o di kayaĆ½ binebenta ay ipagbigay alam ito sa aming tanggapan sa pamamagitan ng aming Telepono (049) 536-8903 o (049) 557-3231, at sulatroniko: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..###