Isang tree planting activity ang ginanap sa Barangay Kiloloron, Real, Quezon sa pangunguna ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), sa pakikipagtulungan ng DENR-CENRO Real. Ito ay dinaluhan ng siyamnapu’t tatlong (93) kalahok mula sa CENRO Real, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Quezon Provincial Mobile Force Company, Philippine Coast Guard, SLP Kiloloron, KUMARE, RACOS, at mga opisyal ng Brgy. Kiloloron.

Bilang pakikiisa ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman ng Real, nakibahagi ang mga kawani nito sa pagtatanim ng may kabuuang 260 punla na binubuo ng 200 Narra (Pterocarpus indicus) at 20 Balobo (Diplodiscus paniculatus).