Ang CENRO Sta. Cruz ay nakiisa at nakibahagi sa pagdiriwang ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) na nag-umpisa noong ika-25 ng Nobyembre at magtatapos sa ika-12 ng Disyembre kung saan may tema ito ngayong taon na “UNiTEd for a VAW-free Philippines”.

Bilang pagpapakita ng pakikiisa sa selebrasyon, ang mga kawani ng CENRO Sta. Cruz ay nagsuot ng kulay kahel o orange na t-shirt/blouse/polo shirt, facemask at ibang pang uri ng gamit na kulay kahel. Nagkaroon rin ng maikling lecture patungkol sa mga paraan kung paano matuldukan ang karahasan laban sa mga kababaihan.

Ang nasabing kampanya ay taunang pagdiriwang na naglalayong maiangat ang kamalayan at magkaroon ng aksyon para sa pagprotekta sa mga karapatan ng kababaihan laban sa lahat ng uri ng karahasan.