Los Baños, Laguna – Pormal ng nilagdaan ang Memorandum of Partnership Agreement (MOPA) sa pagitan ng DENR CALABARZON at lokal na pamahalaan ng Los Baños, Laguna. Ito ay kaugnay ng programang Rapid Land Tenure Appraisal (RLTA) na naglalayong mapabuti ang pangangasiwa at administrasyon ng mga “public lands” sa bayan ng Los Baños upang matulungan ang mga miyembro ng komunidad na magkaroon ng titulo ang kani-kanilang mga lupang tinitirhan at sinasaka upang bigyang seguridad ang bawat mamamayan sa kanilang pagmamay-ari sa lupa.

Dinaluhan ang nasabing paglagda nina Regional Executive Director Nilo B. Tamoria, PENRO Eriberto B. Saños, Municipal Mayor Anthony F. Genuino, Vice Mayor Josephine S. Evangelista at City Assessor Engr. Oliver D. Manaig. Kasama rin sina Municipal Administrator, Municipal Planning and Development Coordinator at Chief Technical Services Division Divina A. Villaluz.

Ang MOPA Signing ay ang inisyal na aktibidad sa ilalim ng RLTA upang tiyakin ang suporta at tulong mula target na lokal na pamahalaan. Ang RLTA ay isang barangay profiling activity para sa mga munisipalidad o siyudad na nasasaklawan ng Cadastral Survey na isinagawa ng pamahalaang nasyonal ilang taon na ang nakalilipas. Sa pamamagitan ng RLTA ay magkakaroon ng baseline data ang PENRO Laguna at CENRO Sta. Cruz ng mga lupang maari pang mga mapatituluhan. Sa ilalim pa rin ng RLTA ay mapapabilis at lalong maisasaayos ang mga proseso at aktibidad ng pagpapatitulo. Kasunod ng paglada sa kasunduan ay ang cascading o pagsasagawa ng mga Information, Education and Communication (IEC) Campaign sa lebel ng barangay upang maipaliwanag ang kahalagahan ng RLTA gayundin ang pag-iimbentaryo ng mga lupa at consolidation ng mga Cadastral Maps.