Catanauan, Quezon- Tampok ang pakikiisa ng iba’t-ibang Ahensya at tanggapan sa Serbisyo Caravan at Ugnayan sa Barangay na pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Catanauan, Quezon sa pamumuno ni Mayor Ramon A. Orfanel at ng DILG IV-A, na ginanap sa apat na  Barangay, Sta. Maria Dao, Navitas, Tagabas Ibaba at Tagbacan Ilaya na nasasakupan ng  Catanauan, Quezon noong Oktobre 20-21, 2022.

Ang DENR-CENRO Catanauan sa pamumuno ni OIC-CENRO Ramil J. Gutierrez ay nagbigay ng impormasyon tungkol sa mga programa at serbisyo na ibinibigay ng DENR sa mga tao at pamahalaan ito ay ang mga sumusunod:

  • Sa Conservation and Development Section ay ang National Greening Program, Protected Area Development and Management and Coastal and Marine Ecosystems Management Program na kung saan ay nakapokus ito sa pangangalaga at pagkonserba ng kapaligiran at likas na yaman. 
  • Sa Regulation at Permitting Section (RPS) naman ay ang pagpapatitulo ng lupa, pagpapaputol ng kahoy at pagpaparehistro ng plantasyon. 
  • Sa Monitoring and Enforcement Section (MES) naman ay ang pagpapatrolya, panghuhuli ng mga ilegal na gawain na walang kaukulang permit mula sa DENR. 

Sa usaping pagpapatitulo, si Forest Technician II Manolit C. Forneste at Land Management Inspector Cheerie Rose R. Cacayan ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa Agricultural Free Patent Reform Act sa ilalim ng R.A 11231 at Residential Free Patent Application sa ilalim ng RA 10023. Binigyang linaw din ng mga tagapagsalita ang mga dokumento na kinakailangan para sa nais mag apply ng titulo. Samantalang ipinaliwanag naman ni Forester Leoderico Belen ang mga dokumento na kinakailangan upang legal na makapag-putol ng kahoy at pagpaparehistro ng mga plantasyon. 

Maayos na nakibahagi ang DENR CENRO Catanauan sa nasabing ugnayan sa barangay at ito’y nag-iwan ng linaw at kaalaman sa mga residente ng bawat barangay sa dapat nilang gagawin sa tulong ng DENR-CENRO Catanauan. Umaasa ang tanggapan na magiging compliant ang bawat isa sa mga kinakailangang mga dokumento sa pagpapatitulo ng lupa, pagpapaputol at pagpaparehistro ng kahoy at gayundin ay maging kaisa ang ibat-ibang ahensya, pribado man o pangpubliko sa pagprotekta ng kapaligiran at likas na yaman.###