Napili ng Harley Owners Group (H.O.G) Manila na bisitahin at itampok ang Sampaloc Lake sa paglungsad ng kanilang inisyatiba na Motorcycle Adventure na naglalayon na maipakilala hindi lamang ang ating mga natatangi at ipinagmamalaking  mga lawa,  kung hindi pati narin ang ating mga lokal na produkto, pagkain, at kultura, 

Ang Sampaloc Lake ay matatagpuan sa mga barangay ng IV-A, IV-C, V-A, Concepcion at San Lucas I sa Lungsod ng San Pablo City. Isa ito sa ipinagmamalaking pitong lawa ng nasabing lungsod. Ang tubig nito ay nagmumula sa ulan at bukal sa ilalim ng lawa. Mayroon itong kabuuang laki na 96.57 ha at may may lalim na 8.6m na umaabot hanggang 23.5m.

Patuloy na itinataguyod ng H.O.G Manila ang kanilang adhikain na responsableng pagsakay sa motorsiklo at pagsulong ng lokal na turismo sa ating bansa. Mula sa Timog Katagalugan hanngang Mindanao ang kanilang lalakbayin upang makamit ang kanilang mga adhikain at maipagmalaki sa buong mundo ang Great Lakes of the Philippines.

Pinasinayahan ni USEC. Ernesto Adobo Jr., CENRO Venerando U. Garcia, PENRO Januel Peras, H.O.G Manila Adventurer at CENRO Sta. Cruz ang nasabing aktibidad.