BATANGAS CITY – Idinaos ang National Simultaneous Tree Planting Activity sa Sitio Lipote, Brgy. Kinalaglagan, Mataasnakahoy, Batangas na pinangunahan ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR) ; Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) ; Kagawaran ng Agrikultura (DA) at lokal na pamahalaan ng Mataasnakahoy.

Ang tema ng programa ay "Buhayin ang Pangangalaga sa Kalikasan" na naglalayong maisulong at patuloy na mailaganap ang importansya ng pagtatanim ng mga puno para sa kalikasan at likas yaman, para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon.

Ang aktibidad na ito ay nakapagtanim ng 120 native seedlings ( Guyabano, Acacia at Banaba) sa gilid ng kalsada ng Sitio Lipote. Tinatayang nasa 150 katao sa ibat ibang pribadong kumpanya, ahensiya ng pambansang pamahalaan, akademya at local media ang nakiisa sa matagumpay na aktibidad na ito para sa kalikasan.