Binigyang pagkilala at pagpapahalaga ng DENR CALABARZON Regional Executive Director Nilo B. Tamoria sina Forest Technician II Rexmel B. Telan at Forest Ranger Windel A. Adornado, bilang isa sa mga napiling “Alagad ng Kaliksan” ng DENR Central Office. Ito ay kasabay ng pagbubukas ng “Alagad ng Kalikasan: The Untold Stories of DENR Environmental Defenders” eksibit noong ika-3 ng Oktubre 2022.
 
Ang eksibit ay naglalayong maipaabot sa publiko ang mga serbisyong hatid ng Kagawaran at bigyang pagkilala ang mga kawani bilang ‘frontliners’ sa pagprotekta ng kalikasan at kapaligiran.
 
“Sa kabila ng economic benefits natin sa ating mga trabaho ay talagang sinsero at puspusan paggampan ang kanilang pinamamalas, kung kaya’t nais ko po silang bigyan ng pagkilala” saad ni Tamoria. Ibinahagi rin ni RED Tamoria na sa pamamagitan ni FT II Telan, ay nakapagsumite ang DENR CALABARZON ng aktwal na datos mula sa isla ng Polilio, Quezon noong humagupit ang bagyong Karding.
 
Ipinahayag ng dalawang kawani ang kanilang pasasalamat sa pagkilala. “Ito ay hindi lamang sakripisyo namin kundi sakripisyo nating lahat, lalo na sa ahensyang ating kinabibilangan” sabi ni Telan.
 
Bukod sa sertipiko ay nakatanggap ang dalawa ng Php 5,000.00 mula sa mga empleyado ng DENR CALABARZON Regional Office