Biñan City, Laguna – Kaugnay ng selebrasyon ng Philippine Environment Month 2022 ngayong buwan ng Hunyo na may temang “Aksyon para sa Natatanging Mundo”, ang PENRO Laguna, sa pangunguna ng Biñan Satellite Office at mga itinalagang Information Officers ay nagsagawa ng isang exhibit at Community PlanTREE o pamamahagi ng libreng punla o pananim sa Biñan City Hall noong Hunyo 6-10, 2022. Namahagi rin ng iba’t-ibang uri ng mga information materials / collaterals na may kinalaman sa pangangalaga ng kapaligiran at likas-yaman. Ang exhibit ay itinayo sa harapan ng ng opisina ng City Environment and Natural Resources Office. 

Sa loob ng limang araw, humigit-kumulang 1,800 na fruit-bearing seedlings tulad ng Calamandarin, Rambutan, Lanzones, Langka, Cacao at Kape ang naipamahagi sa mga empleyado at mga kliyente ng Pamahalaang Panlungsod ng Biñan. Dalawang daang (200) seedlings naman ang naibigay sa Biñan Housing Office at 800 sa City ENRO na kanilang gagamitin para sa naka-schedule na tree planting activity bilang parte ng selebrasyon ng National Arbor Day.

Positibo at mainit ang naging pagtanggap ng mga empleyado at kliyente ng Biñan higit lalo sa pamamahagi ng libreng punla o pananim. Aniya ng isang empleyado na nakakuha ng libreng pananim, ikinatuwa nila ang mabigyan ng libreng pananim higit lalo at fruit-bearing na maaasahan nilang mamumunga pagkaraan ng ilang taon lamang. 

Ang nasabing aktibidad ay isa ring pamamaraan ng PENRO Laguna upang ipakilala ang Biñan Satellite Office na siyang may hurisdiksyon sa mga lungsod ng San Pedro, Binan, Sta. Rosa at Cabuyao