Isang report mula sa Luisiana Municipal Police Station (MPS) ang nakarating sa tanggapan ng CENRO Sta. Cruz patungkol sa di umanoĆ½ pagpuputol ng mga puno sa Brgy. San Buenaventura, Luisiana, Laguna.

Kinabukasan ay nagtungo ang grupo mula sa CENRO Sta. Cruz sa pangunguna nina OIC, CENRO Venerando U. Garcia, at EMS Chief Daniel Arthur sa tanggapan ng Luisiana Municipal Police Station upang makipag-ugnayan patungkol sa nasabing ulat.

Matapos ang koordinasyon, tumulak ang grupo sa lugar na kung saan, ayon sa ulat, ay mga nagpuputol ng mga puno. Tumambad sa grupo ang 23 piraso ng Santol Round Logs at dalawang (2) piraso ng Malapapaya Round Logs na may kabuuang dami na 1,306.68 bd. ft.

Agad namang inaresto at ikinulong sa Luisiana MPS ang nadatnang tao sa naturang lugar dahil sa paglabag nito sa Section 77 , (Cutting, Gathering and/or Collecting Timber or Other Forest Products Without License) ng P.D. No. 705, as amended. Magsasagawa din ang tanggapan ng CENRO Sta. Cruz ng Administrative Confiscation Proceedings (ACP) alinsunod sa DAO 97-32 (1997 Rules for the Administrative Adjudication of Illegal Forest Products and the Machinery, Equipment, Tools and Conveyances Used in Connection Therewith).

Ang mga nasabat na kahoy ay nasa pangangalaga ngayon ng CENRO Sta. Cruz na matatagpuan sa Brgy. Duhat, Sta. Cruz, Laguna.